Sa Paaanan ng Mayon

Img_3031 Napakaganda ng Mayon. Ngayon ko lang ito nakita at tunay ngang kahanga-hanga itong makita lalo na sa personal. Matagal ko ring inasam ang pagkakataong ito na masilayan ang daragang Magayon.

Ngunit kakambal ng ganda, naroon din ang malulungkot na kuwento na naging kabahagi ang Mayon. Sa likod ko ay ang 2 krus na nagsisilbing alaala ng mga naging biktima ng bagyong Reming. Maraming batong gumuho mula sa dalisdis ng bulkan ang nagdulot ng pighati sa mga pamilyang nasa paanan ng Mayon. Nakakalungkot na ang dating bahayan na nasa likod ko ay biglang sa isang iglap ay nawala na ng tuluyan.Natabunan ang lahat at maraming nabuwis na buhay…

Leave a Reply