ewan…
tulog na ang lahat
ngunit heto ako at mulat na mulat
tahimik na ang paligid
tanging huni ng mga kulisap aking naririnig
kay lamig ng gabi, umuulan-ulan pa
parang nagsasabing, "Hoy, matulog ka na!"
Subalit idlip ay hindi dalawin
Naiisip ko iyong paglalambing